isa pang botohan!
[Tuesday, September 30, 2003 ::
Ice ]
oi mga peeps... i'm kinda planning to put up pictures on the left table that we have there. so ano ba ang gusto nyo? mga pictures ng team o mga pictures nating mga contributors? at kung picutres nating mga contributors... gusto nyo ba eh yung "in our likeness" na mga pics o mga "alias" pics lang?... ayan ang comments link sa baba... nasa kanan ang tag board... violent reactions are most welcome.
{.:..:..:.}
paglisan
[Monday, September 29, 2003 ::
Ice ]
ayan... aalis na si cay...*sniff*sniff*... wala na ang ating japanese doll...
nawa'y ituloy nya ang pagba-blog nya... kasi sa pakiramdam ko sa blog na lang tayong lahat magkakatagpo-tagpo... magkakabalitaan... nakakatawa no? 'yung nasimulan kong laro-laro lang naging isa sa mga ways of communication na nating lahat...
aalis na si cay... sino kaya ang susunod?... malamang may susunod. everybody is searching for a more greener pasture whereas i firmly cling on the belief that the grass is no more greener on the other side. i am content for the time being, thankful for the job that i have...*sigh* oh well... different strokes for different folks!
aalis na si cay...*sigh*... sana mahanap na nya si Prince Charming...sana yumaman sya, manalo sa game ka na ba... sana maging masaya at masagana ang buhay nya sa bagong mundong gagalawan nya... at oo, sana kami na nga ni keith 4ever... =P
so here's all the best to our japanese charmer... godspeed!
love and light...
{.:..:..:.}
[Saturday, September 27, 2003 ::
Ice ]
well, well, well... i don't need jhon's help after all... the new site is up and kicking, the mystery of the archives has been solved. thank god for patience!!! =)
... yung mga pics nga pala eh sinimulan ko ng i-post unti-unti dito sa blogst natin... once again...the tag-board and the comments link are available for any violent reactions.
thankst!
{.:..:..:.}
[Wednesday, September 24, 2003 ::
Ice ]
people, people, people...!
hindi pa tapos ang pag-repaso ng ating blogst kaay wag muna kayo mag-panic o magreklamo...aayusin pa ang archives at syempre dadagdagn ang links sa gilid... kaya pls... BE PATIENCE.
thank you...
{.:..:..:.}
the new look
[Wednesday, September 24, 2003 ::
Ice ]
so eto na ang bagong "face" ng ating blog...it still needs a little tweaking... i plan to add another table on the left there and i'm still solving the mystery of the archives... i got mine to work, don't know why i can't get the archives here to work....
so ayan... enjoy... you have the tag-board and the comments link.. feel free to shout out about the new look of our blogsite anytime...
{.:..:..:.}
dahil gusto ko maging ginuntuang ina awardee...
[Monday, September 22, 2003 ::
Master Lee® ]
hello from the world over here in my secluded corner... hehe. I must say my new station is a cut from reality ... very distant ... and peaceful... hehe. except for the fact na may katabi akong ... akong ... akong ... alam nyo na ... pero since malakas naman appeal ko sa mga ... alam nyo na ... malay nyo maging 2nd mother sya nang baby ko??? wag naman sana ... tatay ang hinahanap ko ... hindi ... hindi alam nyo na .. hehehehe.
my location is quite cozy ... and I might request for a map to be created just in case you can't find me ... well, well... I can take naps in between ... and I can uhm ... yah ... I'll miss you guys though ... dalawin nyo na lang ako... hehehe. dahil sa hindi sya tulad natin na pinanganak na ... bright kaya kailangan lipat muna si Master ChinChin ...
haaay .... good luck na lang sa kanya... kala ko pa naman ... magaling sya at bibo ... yun pala ... husssh...
dahil sa buntis pa ako .. ayoko muna magsalita ... tatahimik muna ako at ngingiti ngiti tuwing makikita ko sya at ang mga taong di kanais nais ... haaay ... 4 na buwan na lang at ... makakapag yosi na rin ako at makakainom na ko .. matitikman ko muli ang marlboro at san mig lite ... sana may san mig lite pa pagka panganak ko ... hehehe.
paalala... kung dadalaw kayo sa ospital .. which I'M SURE LAHAT KAYO dadalaw .. dahil kung hindi ... ipagkakalat ko na mabaho ang paa nyo at napupusuan nyo si Miggs... ayan ha .. para sa mga lalake .. uhmmm ... mabaho na lang ang paa nyo... sa pag dalaw nyo dalan nyo ko nang yosi ... at beer... hehehe... salamat ....
ayan ... basahin nyo na lang blog ko if you wanna know what's been happening to me and my baby ... hehe.
{.:..:..:.}
Sorry but i have to let it out
[Saturday, September 20, 2003 ::
haze ]
Sa buong buhay ko ngayon lang ako naging super sunget sa tao. Hindi ko na talaga kaya. I dont think I can handle Migs anymore. The questions that he asks are basic questions that were handled during training and he likes to ask the same questions over and over again. I have been telling him 'please take note so that next time you encounter the same issue, you have a reference'
What pissed me off today was this.
Customer called in to inquire about his CT 2 SUBS.
He advised the customer to login to his membership account to download the FOC.
He approached me and told me that there is something wrong with the website and customer cannot download CT 2 from the membership account.
I gave him step by step instructions on how to check the fulfillment in SUUS since he claimed that Prima did not train them on FOC. Since he said he was not trained, I typed the instructions in clear sentences via IM.
He asked Ann for the same thing. He asked Jayvee also.
He still did not get it. I told him "Please do not ask the same questions to different agents. If one person is already helping you then please listen to that person."
Despite giving him the step by step instructions, he said that the login did not work. I rechecked my IM and I gave him the correct one. I had to go there to enter it myself so that it will work.
I would like to recommend RETRAINING for him.
I am very sorry I cannot handle him anymore. There were already a lot of instances that led to this. I know Joie has already talked to him but I do not see any improvement.
Pie also feels the same way since I have been asking her for feedback (she was his 'mentor' before) Now, Pie does not want to talk to him anymore and is requesting to be transferred to another station away from him.
I truly am sorry but this is my final straw for this person.
{.:..:..:.}
suggestion ni jhonald...
[Wednesday, September 17, 2003 ::
Ice ]
[Tuesday, September 16, 2003 ::
Ice ]
o ayan... napagkasunduan na na papalitan ang face ng ating blog... so ano'ng template naman ang gagamitin natin?... kanya-kanyang hanap na lang tapos post nyo dito para makita ng lahat... ok na ba yon?...o post nyo na lang yung mga template n'yo dito ha...
{.:..:..:.}
are we all up for a change?
[Sunday, September 14, 2003 ::
Ice ]
ngayong medyo
mukhang humupa na ang mga poot sa dibdib ng ilan sa ating mga kasamahan... eherm.. nais kong pag-usapan natin ang itsura ng ating munting blog...
yes... look around... don't you suddenly find it so boring?... like it's lacking in something?... i don't know about you guys but after browsing thru
blogskins, i've suddenly been aware that we could make this blogsite all the more befitting to us beautiful people of the night...
so please... hit the tag-board there or the comments link below if you guys want a new look for our blogsite... our
personal blogsites have undergone changes... now how about the communal one?...
{.:..:..:.}
Insensitive Kc Sha
[Tuesday, September 09, 2003 ::
trish ]
Not all people decode other people's actions/words similiarly. Some may find a joke funny, others will snort at it. Some jokes are not funny especially if they are about you.
I know I am the subject of most jokes. People talk behind my back. But Im sure Im not the only one. Sometimes I get mad too. Sometimes the jokes are uncalled for. Sometimes I blame myself for tolerating this. Some people no longer recognize what's acceptable from what is not. Sometimes I just cannot muster enough strength to stop 'em from endless bickering and senseless teasing. I guess, the Golden Rule still applies... Don't do to unto others, what u don't want them to do unto you. If I stop teasing other people, then maybe they will stop teasing me too... It's just a vicious circle. Some game that will inevitably refuse to cease.
Note to Melissa: We can only control what we can. In this case, you can ask yourself how not to get hurt. You cannot change people for what they are. If one person is insensitive and bitchy that is his/her problem. Do not close your doors for other people who are deserving of your time and friendship.
{.:..:..:.}
nararanasan na nga natin eto...
[Tuesday, September 09, 2003 ::
B ]
when i first read this article a coupla years ago, dinedma ko lang. nde pa ko maka relate masayado. but now, haaaaay...every single word screams at me! a friend of mine was disturbed to see one my postings (at a certain mailing list) start with a "". So he shared with me this article...
Being "Twenty-Something"
They call it the "Quarter-life Crisis." It is when you stop going along with the crowd and start realizing that there are many things about yourself that you didn't know and may not like. You start feeling insecure and wonder where you will be in a year or two, but then get scared because you barely know where you are now.
You start realizing that people are selfish and that, maybe, those friends that you thought you were so close to aren't exactly the greatest people you have ever met, and the people you have lost touch with are some of the most important ones. What you don't recognize is that they are realizing that too, and aren't really cold, catty, mean or insincere, but that they are as confused as you.
You look at your job...and it is not even close to what you thought you would be doing, or maybe you are looking for a job and realizing that you are going to have to start at the bottom and that scares you.
Your opinions have gotten stronger. You see what others are doing and find yourself judging more than usual because suddenly you realize that you have certain boundaries in your life and are constantly adding things to your list of what is acceptable and what isn't.
One minute, you are insecure and then the next, secure. You laugh and cry with the greatest force of your life. You feel alone and scared and confused. Suddenly, change is the enemy and you try and cling on to the past with dear life, but soon realize that the past is drifting further and further away, and there is nothing to do but stay where you are or move forward.
You get your heart broken and wonder how someone you loved could do such damage to you. Or you lay in bed and wonder why you can't meet anyone decent enough that you want to get to know better.
Or maybe you love someone but love someone else too and cannot figure out why you’re doing this because you know that you aren't a bad person.
One night stands and random hook ups start to look cheap. Getting wasted and acting like an idiot start to look pathetic. You go through the same emotions and questions over and over, and talk with your friends about the same topics because you cannot seem to make a decision.
You worry about loans, money, the future and making a life for yourself...and while winning the race would be great, right now you'd just like to be a contender!
What you may not realize is that everyone reading this relates to it. We are in our best of times and our worst of times, trying as hard as we can to figure this whole thing out.
{.:..:..:.}
[Tuesday, September 09, 2003 ::
Ice ]
so! puro poot ang mga tao ngayon!... and as usual, it is your mistress ice who is once again being bombarded with questions. i am so sorry pople but my lips are sealed. i have locked it and thrown away the key.
katulad ng sinabi ko noon, masaya ang tsimis. sobrang saya lalo na pag ibang tao ang pinag-uusapan. pero nawawalan ng saya ang tsismis pag malapit sa 'yo ang laman ng huntahan, ang pulutan sa inuman... OO, may ideya ako sa kung saan at kanino patungkol ang bawat kwento na nilalagay n'yo dito. my powers of observation and intuition have never failed me. i might have miscalculated or misjudged once or twice, but on the average, i have never been fully wrong.
sige...rant, rave, scream, curse... do whatever it is that you need to do to get that noxious feeling out. i'll read. i'll listen. i'll be as neutral as switzerland. our blog is a place to let our feelings out so i won't be a stick in the mud and censure your writings. but remember that it's easier to hurl accusations and hurtful words when your mad, it's harder to take them back because it's done its damage.
mag-usap kayo.
and for my beloved readers... i hate to disappoint you but again, my lips are sealed. i don't want my lovely face marred.
{.:..:..:.}
Maraming salamat
[Tuesday, September 09, 2003 ::
melissa ]
Putangina mo
Hindi mo ba alam na takot ako sa tao nung bata ako?
Na laking hirap ang pinagdaanan ko para lang matuto ako makihalubilo sa tao?
Dati kahit kuhanan ako ng litrato ayaw ko. Nagkukulong ako sa kuwarto pag may bisita kame.
Konti lang ang kaibigan ko dahil ubod ako ng mahiyain dati.
Hindi mo ba alam yon?
Hindi mo ba alam na may mabigat na dahilan kung bakit ako ganun?
Pero hindi ko na sasabihin sayo dahil hindi mo rin maiintindihan.
Alam mo bang ni sa magulang ko hindi ko sinabe yun?
Alam mo bang inabot ng ilang taon bago ko nasabe yun sa bespren ko?
Na dahil dun takot na ako makipag-kaibigan at magtiwala sa hindi ko kakilala?
Ayain akong lumabas hindi ako sasama.
Ayain akong makipag-inuman, hindi ako sasama.
Ayain akong manuod ng sine, hindi ako sasama.’
Alam mo bang dito lang ako natutong buksan ang sarili ko sa mga tao?
Alam mo bang dito lang ako natutong ngumiti sa harap ng camera?
Alam mo bang dito lang ako natutong magsabe ng mga hinanakit ko sa ibang tao?
Alam mo ba kung gano kasakit yung ginawa mo?
Siguro hindi mo naiintindihan yung ginawa mo.
Siguro hindi mo naiintindihan na dahil sa ginawa mo, bumalik ang dating takot ko.
Siguro hindi mo naiintindihan na dahil sa ginawa mo, nararamdaman kong bumabalik ang dating ako?
Maraming salamat ah.
{.:..:..:.}
[Monday, September 08, 2003 ::
Ice ]
kids, kids, kids!!! what's all this commotion about?!?...may mga nagmega-react sa kung bakit ang mga girls ay ganito at bakit ang mga boys ay ganun. at ano ito??! may nag-post ng love letters from a former paramour???... hay grabe! nakakaloka!!!...
tanong nyo eh bakit ganito ang men at ganon naman ang women, eh natanong nyo na ba sa mga sarili nyo kung bakit kayo ganyan? since time immemorial, my dear friends, women have been as far apart from men as the sun is from pluto. bakit?
dahil sa uket!
forget about john gray and his men are from mars, women are from venus crap. think of the adage "different strokes for different folks". we're all different, unique from each other. i think that to generalize and categorize people,places, and things are stupid. we put people and stuff on pigeonholes just for organization. nothing more. besides, someone is always bound to be an exception to the rule. do you get me?
so itigil na ang mga katanungang ito. ito'y mga walang saysay. pag-usapan natin si tricia at si alex... ayan... mas magandang topic di ba???*wink*
{.:..:..:.}
pa react!
[Saturday, September 06, 2003 ::
B ]
My comments are in line...
Bakit ang ganyan kayong mga babae?
Marami sa atin nag-iisip kung bakit sadyang nagkaroon ng babae at lalaki sa mundo. Hindi ba pwde na puro lalaki na lang? Isipin mo nga kung ano mangyayari?
Sa sobrang dami na ng babae na dumaan sa aking buhay, iisa pa lamang ang aking naging nobya. Ilang beses na rin ako nabigo. Kailan lang meron akong minahal ng buong puso ngunit masyado niya akong sinaktan at muli ako ay nabigo.
Merong ilang mumuntik mga tanong na bumabalakid sa aking isipan. Ito ang mga gumugulo sa aking isipan kaya marahil ay hindi ako magkaroon ng lakas ng loob na umibig muli. Sana inyong damdamin at sagutan ng buong puso.
-Bakit ang mga babae sa panglabas na kaanyuan tumitingin? Aminin man ninyo o hindi iyon ang una ninyong nakikita sa lalaki.
-- una sa lahat, nde lang babae ang gumagawa nyan...mas ginagawa pa nga yan ng lalake dba. Pangalawa, wla naman masama kung tumingin ka. Eh kung sa appearance talga ang una mong nakkita dba? C’mon, have you ever heard someone say, “Dude! Check her out! I bet she has a great personality!” Nde!!! Sympre you’d say, “Check out that pretty chick!” Tumingin ka lang, it’s just harmless admiration. God gave us the gift of sight to appreciate beauty. It just starts there, but it doesn’t end there either. You have to get to know the person better to hold her in a much higher regard. Pero pag puro appearance lang talaga ang gsto mo, that is sooo superficial and physical.
-Bakit gustong gusto ninyo sa taong sa tingin ninyo ay perpekto para sa inyo at hindi ninyo binibigyan ng pagkakataon ang isang taong handang ibigin kayo ng buong buo?
-- bakit masyado yatang personal ang mga tanong mo? Hehe…well..kse po…we have the freedom to choose. Love is a decision, and the feelings just follow. If you choose to love this person, no one really has the right to stop you or question you dba? Sa tanong mo kse, “…tingin ninyo ay perpekto para sa inyo….” eh yun ang napili nya eh! Dahil yun ang gsto nyang mahalin at mahalin (sana) sya in return.
-Bakit pag may lalaking nagsabi na may nararamdaman siya para sa inyo ay lumalayo kayo pag hindi ninyo siya type?
-- dahil ayaw namen sila masaktan. I think we are honest enough nman to tell them na hindi namen sila type. and we think that distancing would actually help them get over us. Out of sight, out of mind.
-Bakit pag ang lalaki nagbigay sa inyo ng bulaklak at hindi ninyo siya type tinatapon nyo lang? Pero pag gusto ninyo yung rosas iniipit nyo pa siya sa libro bago malanta.
-- sorry, can’t relate. Nde ako ganyan. I appreciate gifts of any kind. Honest.
-Bakit pagmahal nyo na isang tao na nanliligaw sa inyo pinapatagal nyo pa? Paano ba nyo ba nalalaman na mahal ninyo ang isang lalaki?
-- I think women who do this are just being sure that the man is indeed worthy of having them. Remember my article about guys who love challenges? (paki link na lang cguro yun dto, or check the archives) Yun yun eh! We can’t just give our precious “YES” to guys who haven’t exerted any effort to win us.
-Bakit kailangan nyo pa tinatanong ang isang lalaki kung nanliligaw siya? Di ba “action speaks louder than voice”?
-- simply put, we don’t want to assume. Mnsan mahirap dn kayo ma-dig mga lalake eh. There are men who are just really sweet by nature...and they are not courting us. Tska teka..nde ba dpat “actions speak louder than words”??? takbo na sa boo boo board! Labsyu jhon! =)
-Bakit nambabasted kayo agad eh hindi pa ninyo gaanong kilala yung tao?
-- believe me, if the girl can tell that there are no sparks between them, then cutting the chase short would actually spare them from damaging a possible friendship.
-At higit sa lahat, bakit MANHID kayo pag sinusuyo kayo ng lalaking hindi nyo naman gusto?
-- ano ba tol. Which part of NO don’t you understand? Ayaw nga nya eh. Of course
she won’t reciprocate the affection. What’s the point??!?!
Puro bakit, ngunit kung hindi sasagutan ay hindi namin malalaman. Kung ganito kaming mga lalaki, bakit ganyan kayong mga babae?
-- ayan. Nasagot ang mga katanungan. Mnsan mas ok pang wag nang i-analyze why members of the opposite sex act like this and that...dahil mababaliw ka lang!!! Acceptance is the key here. =)
{.:..:..:.}
Bakit ganyang kayong mga babae...(tanong ni Mr. Suave.)
[Saturday, September 06, 2003 ::
lightning struck ]
Eto po ay mga katanungan ni
Mr. Suave.
Eto po ay opinyon ko lamang.
-Bakit ang mga babae sa panglabas na kaanyuan tumitingin? Aminin man ninyo o hindi iyon ang una ninyong nakikita sa lalaki.
*You have to admit, when you wake up in the morning and see an ugly face beside you? Would you feel motivated??? Kami nga sa mukha tumitingin, kayo, iba ang tinitingnan minsan. :p
-Bakit gustong gusto ninyo sa taong sa tingin ninyo ay perpekto para sa inyo at hindi ninyo binibigyan ng pagkakataon ang isang taong handang ibigin kayo ng buong buo?
*Pano mo naman nalaman?
-Bakit pag may lalaking nagsabi na may nararamdaman siya para sa inyo ay lumalayo kayo pag hindi ninyo siya type?
*Dahil ayaw naming na mamisinterpret ninyo na we are leading you on. Mabuti na ang malinaw, kesa naman , marinig ninyo samin ang classic line ninyo na “It’s not you, it’s me.”
-Bakit pag ang lalaki nagbigay sa inyo ng bulaklak at hindi ninyo siya type tinatapon nyo lang? Pero pag gusto ninyo yung rosas iniipit nyo pa siya sa libro bago malanta.
*Ako kasi, pag indi ko type, tinatanggap ko pa din. Saka rarely na itapon ng babae yun, Ipamimigay oo…pero indi itatapon.
-Bakit pagmahal nyo na isang tao na nanliligaw sa inyo pinapatagal nyo pa? Paano ba nyo ba nalalaman na mahal ninyo ang isang lalaki?
· Actually, ako kasi di naniniwala sa ligaw, kasi pag nanliligaw, best foot forward parati. So indi mo alam kung ano talaga sya. Minsan kahit mahal mo sya, pero indi ka sigurado, kung ano ang tunay na sya, kelangan mag intay pa siya ng konti, para lumabas ang tunay na kulay nya.
-Bakit kailangan nyo pa tinatanong ang isang lalaki kung nanliligaw siya? Di ba “action speaks louder than voice”?
* There are some words that are meant to be said. Kesa mamis-interpret kami at maparatangan na ilusyonada, mas maganda na yung malinaw. At hindi naman naming kalahi sa Madam Auring para hulaan ang kahulugan ng mga actions ninyo na yan no.
-Bakit nambabasted kayo agad eh hindi pa ninyo gaanong kilala yung tao?
*Actually depende yan. Kung sa simula’t simula pa, e nakikita nya na you’re better off as friends, ganon talaga. Ang pambabasted naman eh hindi kahulugan ng paghinto ng pagpapakilala mo sa kanya, malay mo mas magandang simula yun. Mas nabibigyan ng chance na makilala ninyo ang isa’t isa casually.
-At higit sa lahat, bakit MANHID kayo pag sinusuyo kayo ng lalaking hindi nyo naman gusto?
*Indi kami manhid, indi lang kayo marunong mag prisinta ng case ninyo mabuti, as I’ve said, indi naming puwede hulaan kung bakit ginagawa ninyo ang mga bagay na ginagawa ninyo.
Puro bakit, ngunit kung hindi sasagutan ay hindi namin malalaman. Kung ganito kaming mga lalaki, bakit ganyan kayong mga babae?
Kasi kung indi kami ganito, indi kami babae.
{.:..:..:.}
Free-writing
[Saturday, September 06, 2003 ::
trish ]
Free-writing
Didn't know you guys had writing potentials till I logged in...
Didn't know there are so much talent in this BLOG SPOT it makes me want to cry.
{.:..:..:.}
Free-writing
[Saturday, September 06, 2003 ::
trish ]
Didn't know you guys had writing potentials till I logged in...
Didn't know there are so much talent in this BLOG SPOT it makes me want to cry.
{.:..:..:.}
Bakit ganyang kayong mga lalake? (totoo na to!)
[Saturday, September 06, 2003 ::
lightning struck ]
Nag react lang po ako sa sinabi ni Mr. Suave at ni Deejay. Indi po ito opinyon ng mga taong kalahok sa blog na ito, bagkus eh aking personal na palagay po lamang:
1. Kung may gusto ba kayo sa isang babae e lagi nyo shang iniisip? As in, laging laman ng puso at isipan nyo?
Teka, pareho kayo ng sagot ni Mr. Suave, Deejay, pero bakit wala kaming nakitang puso dito?
2. Magkakaron ba kayo ng lakas upang masabe ang inyong nararamdaman? O tatayo na lang kayo sa isang tabe at tatameme?
Mas madalas, mananahimik, men fear rejection. Minsan mas gusto pa nila na friends na lang kayo, forever, kahit gano ka nya kamahal, kesa sabihin nya sa’yo at baka ireject mo pa siya at masaktan. Mas gusto nila yung tipong “loving someone from afar.” At Mr. Suave, kung toto yang sinagot mo, dapat alam na “NIYA” yan noon pa.
3. Kung mejo nararamdaman nyo na gusto na din kayo ng babae, aatake na ba kayo o mawawalan na ng interes at hahanap na ng ibang babae?
Depende sa lalake, merong nawawalan ng gana, dahil wala na daw challenge. At totoo yung sinabi ni Deejay, takot masabi na mapagsamantala sila. So depende na lang sa lalake yun. Sabi nga nila, “No guts, No glory.”
4. At kapag naging kayo na nung babae, bakit hindi na kayo nagiging sweet? Dahil ba nakuha nyo na ang babae at wala ng challenge?
Kasi more often than not, nate-take for granted na nila yun, thinking that since kayo na, the girls would understand, kung they they miss or postpone dates, or that you never send them flowers anymore. Kala nila, pag kayo na, okay na yun.
5. Meron pa rin bang torpe sa mundo? Kala namen patay na eh!
Ah, si Mr. Suave po, nandyan pa, indi takot mag-mahal, pero takot mag-tapat.
6. Mafa-flatter ba kayo pag ang babae ang nag-aya sa inyong lumabas? O mate-turn off kayo?
Syempre flattered sila, feeling pogi na sila nun. Pero depende kung ano reaksyon nila.
Depende sa lalake, minsan type nila. Minsan indi. Sometimes men still have this primitive orientation, kahit gano kalakas nila sabihin na moderno na ang pag-iisip nila. They believe that women are to be hunted, tapos they are the hunters…not the other way around, so minsan, nai-intimidate sila sa babaeng malakas ang loob mag ask ng date sa lalake. Parang masyadong malakas ang dating. Astig.
7. Bakit ang duwag ng mga lalake kapag gusto na nila bumitaw sa isang relasyon? Tipong hihintayin pa nilang makahalata ang babae…Tsk..tsk.
Kasi daw ayaw nila makasakit, pero indi nila alam na mas masakit yung, pinapaasa nila ang babae na nothing’s wrong, yun nmn pala, very eager to leave na. Sometimes nga pag buking na, they use the very classic line” It’s not you, it’s me”. (Kablag!)
8. Bakit gusto nyong makapangasawa ng virgin e kayo hindi na?!
Eh, kasi traditional sila. Actually, I have yet to meet a guy na buong katotohanan na okay sa kanya na indi na virgin ang babae. Kita mo yung sagot ni Mr. Suave. “Ako kahit ano basta nagmamahalan kami, di na uso yang virginity na yan! Pero kung meron jan na birhen na natutunan kong mahalin at ganoon din naman siya sa akin, e di ok.” Still umaasa pa din sya. Sabi nga, kung nasa na yung good, okay, pero kung me better, bakit indi ka sa better?
9. Bakit ang rason minsan sa pagbe break ay ang letseng SPACE na yan?!
Kasi me ibang babae, pati pag gamit ng CR, sabay sila ng BF nya. Indi ang BF mo ang buhay at kamatayan mo…you should each have your own personal space, and you should still grow as individuals. Panget naman siguro kung ang identity mo eh, “ah..si ano..girlfriend ni ano.” Di ba???? Me pangalan ka pa naman di ba?
Pero totoo, yung ibang mga dense na lalake, ginagamit na excuse ang space, ang cool-off para sumawsaw sa iba (excuse the term). Para nga naman kung di niya nagustuhan eh sasabihin nya sayo na indi ninyo na kailangan ng space. Aba eh, kung type mo tumikim ng iba, sa kanya ka na… Sino ba me gusto na me kahati???
10. Totoo bang hindi kaya ng mga lalakeng maging loyal sa kanilang asawa o gelpren?
I agree with Deejay. No questions asked. Guys and girls should be loyal. It’s a matter of respect, sa sarili mo at sa babaeng mahal mo. You wouldn’t wanna hear the same excuse from your girlfriend na: “ As long as umuwi ako sa’yo at mahal kita, okay na yun.”
11. Bakit ang ibang lalake ay takot sa commitment? Nangangain ba kame?
Indi sila takot satin, sa gusto natin mangyari sila takot. When in fact eh, we’re taking a much bigger risk by getting committed. Kasi tayo yung mas nali-limit, tayo yung nasa loosing ends. It’s a matter of setting correct expectations in your relationship. Getting committed doesn’t necessarily mean na pati damit ninyo coordinated na, at pati pag tulog at gising ninyo synchronized din. Knowing your priorities would help.
12. At bakit kahit wala kayong gelpren e may mga ‘meantime’ gels kayo? Bakit di na lang kayo mag-tyaga sa kung sinong mahal nyo?
Me meantime gels sila kasi guys have “NEEDS”. Di po ba???
13. Bakit ba nauso pa ang pakikipag-usap sa mga ex? Kahit na tipong pinagseselosan na ang gelpren nyo?
Kasi, yung iba me pinagsamahan tlga, yung iba, me “UNRESOLVED ISSUES” pa daw. Anuman yun eh, kung ndi komportable ang GF ninyo you need to do something. At kung ako yung ex ng BF ninyo, I would understand. Kasi babae din ako, and I wouldn’t want my BF to have a constant communication with his ex di ba?
14. Bakit ba ganyan kayong mga lalake?!?
Kasi kung di sila ganyan, di sila lalake!!!
Ayun lang po!!!
{.:..:..:.}
Bakit ganyang kayong mga lalake?
[Saturday, September 06, 2003 ::
lightning struck ]
Bakit daw ganito kaming mga lalaki?
[Saturday, September 06, 2003 ::
Jhon ]
Bakit daw kami ganitong mga lalaki? Walang taong nilikha sa ating mundo na pareho. Bawat isa sa atin ay may natatanging katangian na angkop lamang para sa kaniyang sarili. May mga lalaking brusko, manhid, at mayabang. Meron namang malambing, mapagmahal, at marunong magrespeto ng babae.
Eto ang aking mga kasagutan sa inyong mga katanungan:
-Hindi ko na
siya iniisip kasi hindi lang siya laman ng puso ko kung di pati na ng utak ko.
-Pagkakataon ang aking hinihiling upang ipadama sa iyo ang laman ng puso at damdamin. Ang ganang akin lang naman ay dapat tayong maging tapat sa isang babae. Kapag meron na tayong nararamdaman para sa kaniya ay karapatan niyang malaman ito. Ngunit lagi nating pakatatandaan na mas mabuti ng magmahal at masaktan kesa itago ang pagmamahal na dapat ay sa kaniya. Paano mamumunga ng bulaklak ang isang puno kung ito’y di tutubigan?
-Kung gusto ko yung babae walang problema d b? Kung yung babae ay “PUWEDE” at ako nama’y “KURIMAW” eh di abangan natin ang susunod na kabanata…Kung di ko naman gusto yung babae, hahangaan ko siya dahil sa kaniyang katapangan. Hindi na uso ngayon ang lalaki ang nanliligaw noh!
-Dapat nga ay lalo kayong maging sweet sa isa’t isa pag naging kayo na eh. Pag nagmamahalan na hindi na kailangan patagalin pa. Basta ako hindi naniniwala sa panliligaw.. Pero para sa taong mahal ko, mahalin lang niya ako habang buhay ko siyang liligawan…
-Torpe? Baka naman kasi natatakot lang siya masaktan kaya niya tinatago ang kaniyang damdamin sa IYO. Ikaw naman kung alam mo naman na may nararamdaman na ikaw para sa kaniya at gayun din naman siya sa iyo….ano pa inaantay mo? Ikaw na ang mag-umpisa! Mahirap magsisi sa huli.
-Babae nagaya sa akin lumabas??? Ok yan pag wala akong pera! At least libre gimik.
-Kasi po kahit na alam na naming na walang patutunguhan ang isang relasyon. MAHAL naming kayo kaya ayaw naming kayong masaktan. Gusto naming kayo na mismo ang makaramdam nun. Maigsi ngunit makahulugan yan.
-Ako kahit ano basta nagmamahalan kami, di na uso yang virginity na yan! Pero kung meron jan na birhen na natutunan kong mahalin at ganoon din naman siya sa akin, e di ok.
-Kasi we need SPACE eh! Kung palagi kayong magkadikit nakakasawa d b?
-Pagiging LOYAL ba ang usapan? Eto sabihin ko sa inyo ang lalaki (asawa o BF) kahit na nambabae yan dun pa rin siya sa taong mahal niya uuwi. Iyong ang importante.
-Ang isang lalaki pag nakikipag usap sa mga EX niya yun ay dahil MAHAL pa rin niya ito. MAHAL niya bilang kaibigan. Kaya kayo wag kayo magiging selosa dapat nga matuwa pa kayo dahil pagdating ng panahon na hindi kayo magkatuluyan sa dambana, alam mo na HINDI ka nya kalilimutan.
Basta ako iisa lang masasabi ko, hindi ko hinahangad na maging UNA sa puso mo. Unang halik, yakap, BF o kahit sex. Gusto ko hindi UNA kung hindi maging HULI. Dahil ang HULI ang siyang hinaharap sa dambana at makakasama sa habang buhay. Ngayon eto naman ang sa akin,
Bakit ganyan kayong mga babae?
{.:..:..:.}
The Wrecker...
[Friday, September 05, 2003 ::
Master Lee® ]
After months of confusion and contemplation .. I have resigned myself to a fate of being a MOTHER ...
I have come to terms with my conscience and realized that I was blind as a bat ... a fool ... more often than not...
and yet ... people are tired ... people do get tired... I am nearing the stage of exhaustion I am pushing myself to my limit...
And yet no matter how clean my heart is and no matter how good my intentions are ... they will seem futile to those who choose to pry into my life ... have they ever asked me ... what my sentiments in life are? of course they have not ...
all must think I'm just a stupid little shallow headed fool... have you ever REALLY THOUGHT ABOUT ME??? ABOUT WHAT I REALLY AM TO YOU???
Just because ... you need something done .. you want something .. I feel left out of the crowd ... I will keep my mouth shut and turn a deaf ear ... but do you know how much I grieve??? maybe ... just maybe ... they think I DESERVE this for being mean and such a bitch ... but ask yourself ... do you really know who I am??? who are you to judge me???
I am upset and on the verge of tears and this time its not because of ADRIAN ...
{.:..:..:.}
On the loose sa LALUZ Part II
[Thursday, September 04, 2003 ::
Jhon ]
Lahat ba kayo bitin sa Part I ng On the Loose sa La Luz? O eto na due to insisted public demand…Tunghayan ninyo ang mga iba pang tauhan sa pelikulang pinamagatang “Sa Dulo ng Walang Hanggan, Masaya, Masarap”
HULKHOGAN – kunyari ka pa ayaw katabi si CIARA sa pagtulog…hmmm kung alam ko lang gustong gusto mo naman!
BRIGGS – papunta pa lang tayo nangungulit ka na ipapatikim mo sa amin yung GINAKOL, bigla nga akong nawala sa sarili nung sinabi mo sa akin “JHON inuman tayo later patikim ko sa iyo GINAKOLites! So bakit tulog ka nung inuman? Haaay!
PARE PA KISS NGA – ano ba? Pati ba sa beach kumakarir ka? Naalala ko pa sabi mo sa amin kahit lasing na ako, “kung gusto ninyo ng beer meron sa labas P50 grande”. So may papa ka na agad sa labas?
PAPA SMURF – wala akong maikwento sa iyo kasi di naman kita masyadong napansin eh, palaki ka muna ha!
Ayaaan! kumpleto na ang tauhan. Eto naman ang mga tagpo na hindi ko makakalimutan:
-Naglalaro kami ng balibol, nag umpisa sa 2han, naging 3han, 4tan,5han…tapos bigla n lng humirit si PACHUCHAY “Sali ako!”…lahat kami sabay sabay “ayawan na nga!!!”
-Nagswimming ang mga OLDIES at siempre puro kodakan. Nainggit ang isang tao, dali-daling nagbihis at sinuot ang kanyang bathing suit kahit na para siyang suman sa kanyang itsura. Paglabas niya sa kwarto,” GUYS aren’t you gonna swim na?” Hmmm PACHUCHAY malapit na mag 6pm nagpapahinga na kami and preparing ourselves for dinner. Lagi ka kasi huli eh kaya yan iniwanan ka ni FREEHAND.
-Isa pa, si TAGAY QUEEN habang nagiinuman “ lakad naman tayo sa beach para romantic”. Sabi ko “mamya na di pa ako lasing eh!” (pero sa loob2x ko lng, pagkakataon ang aking hinihiling…) Inom, inom, inom, …Hirit na naman si TAGAY QUEEN “ Lakad na tayo sa beach”…Biglang sabat si VAGINO, “O laro na lang tayo game! Anong laro?” Sagot si TQ “ Lakad naman tayo sa beach” …teka teka teka hindi ka ba sirang plaka niyan?
-Si DOUBLE IDENTITY lapit sa amin sa ilalim ng malaking payong. Pagod siya dahil naglaro sila ng balibol nila CONG ADONIS, “ Painom nauhaw na ako eh!”. Aba! Tinungga ang isang basong VODKA with SPRITE. Hahahaha! Hindi man lang niya nalasahan yun?
Dahil sa palpak na lugar noon, sinugurado natin na maganda ang lugar ngayon. Salamat at natuto tayo sa ating kamalian. Siguro naman sa susunod matututo na rin tayo na sana ang kunin nating MANONG ay yung hindi karwahe ng patay ang dina-drive. At higit sa lahat alam niya ang pupuntahan….
So eto na ang moral ng story. Nung isang taon konti lang tayo. Hindi maganda ang lugar ngunit masaya tayong lahat. Nagawan natin ng paraan kung paano natin mapapalipas ang magdamag. Ngayon, maganda ang lugar, marami sumama (puro bago nga lang) ngunit nawala ang essence of TEAM BUILDING. Haaay! Ganoon talaga ang buhay. Pana-panahon ay nagkakatagpo, maibabalik natin ang kahapon…
Kung meron man akong di makakalimutang pangyayari sa mga sandaling aking inilagi sa lugar na yun. Yun ay dahil kahit sa maigsing panahon (sobrang igsi talaga mga 1oras siguro), ay nakatabi ko sa duyan ang isang
taong nagpapaikot ng aking mundo sa kasalukuyan. Maraming bagay kaming napag-usapan. Sana ay ito na ang simula ng magandang bukas...naalala ko pa ang aking sinabi sa kanya habang ang kanyang ulo ay nakasandal sa aking mga balikat, "Kung ito ay isang panaginip ayoko ng magising"....
{.:..:..:.}